Ecclesiastico 46:1
Print
Si Josue na anak ni Nun ay isang magiting na mandirigma, siya ang kahalili ni Moises sa pagkapropeta. Pinatunayan niya ang isinasaad ng kanyang pangalan— naging tagapagligtas siya ng mga hinirang ng Diyos. Nilupig niya ang mga bansang lumaban sa kanila, at sinakop ang lupaing ipinangako sa Israel.